NinongTips
Member
So I wanted to share an explanation of lil bit of what I know in PHP.
Explaining in the best of my analogy. - Newb friendly. lol
All you need to know about PHP
BABALA: Ang mga detalye, diskripsyon, at depinisyon ay maaring opinyon ko o gawa ng aking makulay na pagiisip lamang(charot), at base sa aking mga 'nakaraang eksperyens'.
So yun ano!? Palagi kong nababasa dito sa PD ang mga posts na "PHP o Java?", "mahirap po ba ang PHP?" at kung anu-ano pa tungkol sa kung ano ang PHP. Pero una sa lahat, alamin natin kung ano nga ba ang PHP.
PHP is a server-side scripting language designed primarily for web development but also used as a general-purpose programming language. - Wikipedia (ANG TAMAD KO DIBA?!). "Kyah. Ano po ibigsabihin ng PHP, kyah?" - PHP, o ang Hypertext Preprocessor. "Kyah, dba HPP kung ganun?" ONGA NAMAN NO!?? De, tinawag itong PHP dahil 'binansagan'(di ko talaga alam ang term) itong Personal Home Page nung ako'y sanggol pa lamang. Ito ay karaniwang ginagamit na linggwaheng pamprograma(horshet ang lalim; programming language) sa pag gawa website, web app, o kung ano mang gusto mong itawag sa web-based system. Sa filipino din, ang PHP ay akronim ng 'PinaHayop na Programming language'. Oo. Sa sobrang hayop nito, hindi lang ito ang pag-aaralan mo.
"Madali lang ba to, kyah?". Oo. Madali lang kaso hassle/time-consuming, at marami kang pag-aaralan. Kung mag-aaral ka ng PHP kelangan mo ng isang sakong dedikasyon, at isang taong insperasyon. Magandang pag-aralan ang PHP, lalo na't may alam ka na sa HTML, CSS, at JS, o simpleng pag-gawa ng UI. At kung tamad kang mag UI, mah boii, welcome to the club!, mag Bootstrap ka. Kung first time mong mag develop at may madalian kang project, hindi ito advisable, pwera nalang pag kinakailangan o talagang petmalu ka lodi. Kasi ang pag develop ng PHP ay parang pagtitimpla mo ng kape. Kelangan mo ng tubig, kape, asukal, at creamer. Kung sa PHP naman, syempre ang PHP, HTML, CSS, at JS. Ang apat na to ang kukumpleto sa web app / website mo, at oo, kelangan mong isa-isang pag-aralan yan(though, kahit konting JS lang, pwede na). at Ay! Onga pala. Syempre yung MySQL, pandesal mo na yun. Uulitin ko, madami kang pag-aaralan, kaya mas macoconsume ang oras mo sa pag-aaral/research sa kesa sa aktwal na pag-gawa mo ng proyekto.
Isa sa mga rason kung bakit tinatawag tong Pinahayop na Programming Language, ay gagana to with or without proper coding (code structure)- yung tipong halos magkasore eyes ka na sa pag tingin mo sa code. Kasi pwede kang mag procedural(Gawain to ng baguhan) na mapapa "Diyos ko, gabayaan Niyo ako" ang sinumang tutulong at/o kasama mo sa pag gawa nito. Sa madaling salita, ikaw lang halos ang makakaintindi sa code mo. Hindi to tulad ng C#/WPF na yung gagawin mo ay nakadetalye na, o may basic code structure. Kasi sa PHP, wala itong basic structure at ang code structure ay magdedepende lamang sa coder nito. At oo, mas strikta pa yung ermat ng crush mo kesa sa PHP. Ang PHP kasi ay data type insensitive(parang yung ex mo.), lahat pwede direcho. $pogi_ka = false; boolean na. pag $gf_ko= 0; integer na. $forever = 'walang ganun!'; string na. Siya na mismo ang mag aadjust sayo kung anumang data type ng variable mo. Kaya sa totoo lang, sa industriya ng I.T, marami ang mga anti-PHP. Sila ay tinatawag na aPHPiest(ey-phi-yist). lol jk.
Sa kabila ng kahayupan nito, isa ito sa mga pinakadabest na connection medium o bridge sa pag connect mo ng iba't iba mong app. Kumbaga, parang yung bes mo to na nirereto ka sa iba't ibang babae. So by means of connection, sa PHP pwede kang gumawa ng App Controller, Data Server, at whatever(in short API), na magagamit ng apps mo in cross-platform(web/android/desktop etc.) to fetch and/or submit data.
Sa tulong ng matatalinong tao, may mga iba't ibang framework(na lunas sa likas mong katamaran) ang nagawa. May Codeigniter, CakePHP, Laravel, Mako, at utang na loob hindi framework ang Wordpress. Ang PHP Framework ay mga bagay na nagpapasimple, gumagawa ng coding standard sa PHP, at nagpapabilis sa trabaho mo(konti nalang icocode mo. the rest, igogoogle mo na). Ito din yung nagpapahaba ng pahinga nyo. Sa frameworks kasi, mostly sinusundan ang MVC pattern, o Model-View-Controller? Ano yon? Abay i-google mo na. Well in short, magiging bes mo to sila kung magtatagal ka sa PHP at kung tamad ka.
Itong PHP din ay mas vulnerable pa sa jowa mong madaling maakit ng iba. Kasi hindi lang aakitin web app mo, pwede ring mainject. (Hanep! Malandi to). Sa PHP at hindi lamang PHP, pati narin yung iba't iba pang languages ng web development, pagtutuunan mo talaga ng pansin ang security. Vulnerabilities tulad ng MySQL Injection, XSS, CSRF, at etc. Ang security at vulnerability ay madalas di napapansin ng maraming developers, Baguhan man o mukhang matanda. Maraming web apps at web sites ang nahahack sa kahit konting kapabayaan, kaya ingat lang (Mag trust ka muna. jk). Well, security is one the fundamentals of web development, kaya make this as a bit of priority.
So sa madaling, pinaikling, pinatamad na salita. ANG PHP AY HASSLE.