NinongTips
Member
So yun po ano? Napukaw yung atensyon ko na naman, at oo hindi dahil sa babygirl, kundi dun sa nasirang Hard disk na 2TB, na nag lalaman ng kung ano mang thesis yun at wala din naman tayong pake talaga,aminin na natin, na basta hindi na marecover parang relasyon nyo lang. So yun ay ang tinatawag nating "Pagsubok ng Buhay".
Naipost ko na to dati na mala Kris Aquino-ng pag sulat sa sobrang englisherong nakakapesteng post na ito https://pinoytech.ph/threads/using-git-and-its-advantages.1441/ at gusto ko lamang ibahagi sa inyo sa mala tambay na pagpapaliwanag ng GIT kasi naman, talagang gusto nyo ng kalokohan.
Ano nga ba ang GIT?
Git (/ɡɪt/[7]) is a version control system for tracking changes in computer files and coordinating work on those files among multiple people. It is primarily used for source code management in software development,[8] but it can be used to keep track of changes in any set of files. As a distributed revision control system it is aimed at speed,[9] data integrity,[10] and support for distributed, non-linear workflows.[11]
-Wikipedia (ANG TAMAD KO DIBA?)
Ang GIT talaga ay yung mismong sinabi ng Wikipedia. lol jk. Ang GIT ay isang pinaPROgrammer na paraan ng pagbackup, pagtrack, at maaring maging paraan sa pagkakaisa ng mga source code nyong magtotropa. Ang GIT ay maaring mailagay mo sa cloud, o GIT Hosting tulad ng GitHub, GitLab, Bitbucket, atbp.
Kinakailangan mo sa pag GIT ay malamang, GIT client. Pwede yung GIT Bash, GIT GUI, o SourceTree. Syempre, baguhan ka palang, wag na tayo mag aksaya ng oras sa pag type ng git commands, kaya mag SourceTree(https://www.sourcetreeapp.com) ka nalang.
Maraming nabibigay si GIT na mga bagay bagay na napaka importante sa buhay mong puro kompyuter. Isa dito yung pagtrack ng code, kumbaga changes ng source code mo. Dahil sa kakayahan nitong mag track nga ng code, pwede mong irevert, o i-undo yung kamalian mo(hindi yung sa buhay mo) o ng punyeta mong kasama sa thesis.
Upang ma-save, o mai-record ni git yung code mo, kinakailangan mong mag "Commit". Bakit? Kasi committed si GIT, kesa sayo. Sa pag commit mo, pwede mo ito lagyan ng remarks o mensahe na makakatulong sayo sa pagtanda sa kung anong nagawa mo nung araw. ` git commit -m "Wala lang" `
Pero tandaan, hindi magikero si GIT na automatiko syang mag babackup sa kung saang lupalop. Kelangan mo muna mag setup ng account sa isang GIT Hosting. Maraming libre, kaya mambuburaot tayo. Isa sa pinakasikat na Open-source, libre, public, o ano mang tawag mo sa git hosting na to ay ang GitHub. Kung gusto mo namang libre na pribado, dahil nahihiya ka sa code mo, eh try mo sa Bitbucket.
"Kyah? Pano mag setup kyah?" Yan! Yan na yung pagkakataon mong magpaload at magkaron ng kwenta yung sim mo. Syempre GMG! Jk. Medyo mahaba-habang usapan na'to at wala tayong San Mig Light, kaya ipagpaliban ko na muna yan sayo at syempre para may kwenta din yung Reading Comprehension mo nung Highschool.
So kapag may account ka na, pwede ka ng mag upload, o sa GIT Terminology, eh, `PUSH`. Wag kalimutan, ang GIT ay parang relasyon lamang. Bago ka maka "PUSH", eh dapat committed ka(unless na lang fuccboi kang hayop ka). So gets mo na? Gets mo n na ha? o dapat lang.
Tulad sa nabanggit ko kanina, maaaring kayong mag collaborate ng tropa mo sa pag-gawa ng project nyo thru GIT. Yung tipong parang tulad ng "Babygirl, collab tayo sa pag develop ng relasyon natin". Pwede ka ring mag control ng version mo dito (Version Control System nga diba?), para syempre, ulit na naman, traced mo yung source code mo sa kung ano mang gagawin mong update.
Yung GIT Hosting Provider mo din mismo ay nakakatulong din sa Bug tracking. Reports provided ng community na nagchecheck sa code o app mo. Kaya, talagang mas organisado pa kesa sa aparador mo yung project mo in terms sa code tracking, bug tracking, at kung ano pa.
Hindi ito natuturo sa lahat ng paaralan, at yun nga, kahit ibang instructor ay hindi alam ito; kaya maswerte ka kung naturuan ka. at Oo, aaminin kong wala din akong pake nito nuon, hanggang sa dumating yung araw na namatay yung hayop kong hard dick, este hard disk. Nawala lahat yung pinakaimportante kong mga files lalong lalo na yung mga proyekto ko, at napilitan akong irecode ang,... siguro mga anim na project din. Halos maiyak-iyak ako non, pero strong independent Man tayo eh, kaya recode nalang din at nasayang lang ang oras ko sa pagrerecode na panghanap ko sana ng forever. JK
May thesis ka? Takot ka mawala code mo? o macorrupt storage device mo? Mag GIT ka na!