Ang pinakasimpleng halimbawa ng pag-iinvest sa bitcoin ay ang pagbili ng US dollars. Bibili ka, halimbawa, ng 100 US dollars sa araw na ito sa halagang 5,000 pesos (dahil ang isang US dollar ay nagkakahalaga, halimbawa, ng 50 pesos sa araw na ito) dahil sigurado kang tataas ang halaga nya sa susunod na araw o linggo (at magiging 1=51 ito). Kung ang "exchange rate" ng US dollar to pesos magiging 51 pesos o higit pa, at ibebenta/ipaconvert mo ang 100 US dollars mo uli sa Philippine pesos, may kita kang 100 pesos. (Oo, alam kong mukhang maliit lang. Pero ang mga seryosohang nagnenegosyo ng FOREX (foreign exchange) hindi lang mga tig-100 US dollars ang binibili/binibenta nila. Milyones na pesos ang investment nila. Nagtatayo sila ng mga money changer stalls. Gamit ang capital nila na nasa hundreds of thousands to millions of pesos, bumibili sila ng iilang thousands of US dollars. Syempre pag pinakonvert nila uli yun, di lang tig-100 pesos ang kita, nasa thousands of pesos na.)
Sa bitcoin, isipin mo na lang ang bitcoin na parang US dollar, pero sa halip na ang halaga nya ay lalaki o liliit lang ng piso o mas konti, sa bitcoin mas MALAKI ang pagbabago ng halaga. AT hindi lang sa araw-araw ang pagbabago, minsan mga iilang oras lang, nagbago na uli ang halaga.
Isipin mo ang nangyari sa akin, halimbawa- ginamit ko ang 20,000 ko. Bumili ako ng bitcoin via coin.ph (halimbawa). After 4 hours, nung tiningnan ko ang estimate na halaga ng bitcoins ko, ang halaga nila naging 22,000 na. Akalain mo. Nagkaroon ako ng 2,000 ng wala man lang akong ginawa. (Sinasabi kong estimate dahil ang tubo na 2,000 na yan, di ko pa nakukuha. Nasa papel lang cya. Kung iwiwithdraw ko ang lahat ng pera ko, sa halip na 20,000 lang mababawi ko, 22,000 na ang makukuha ko.) Tiningnan ko uli sa sumunod na araw. Naging 23,000! Maligaya ako. Sa gabing yun, tiningnan ko ulit. Ang 20,000 na halagang bitcoin ko, 18,000 na lang. Parang nawalan ako ng 2000. Sa susunod na araw, baka aakyat na naman yung ng 21,000, o 25,000. O baka bababa lalo, hanggang maging 15,000 na lang. (Totoo, para syang gambling. Ganyan din naman ang pag iinvest sa stocks. Parang gambling din. Pero ang sa stocks, pwede kang mag research nga mga kompanya na gusto mong pagiinvestan o bilhan ng stocks at masisigurado mong hindi babab ang halaga ng stock ng kompanyang yan kasi pinagaralan mo muna. Sa bitcoin, mas mahirap gawin ito.)
Ganyan ka "risky" ang pagiinvest sa bitcoins. Pero sabi nga ng mga iilang eksperto, may posibilidad na lalaki ng lalaki ang halaga ng bitcoin sa susunod na mga taon. Akalain mo, ang ISANG bitcoin ngayon nagkakahalaga na ng mga 300,000 pesos. (Kaya kung bibili/magiinvest ka sa bitcoins na mas maliit pa sa 300,000 ang pera mo, ang binibili mo ay isang porsyento lang ng ISANG bitcoin. Pero isipin mo, kung yung 20,000 mo tumubo ng 2,000 sa iilang oras lang, ano pa kaya kung 300,000 ang pera mo. O kahit 50,000 man lang.) Mga ilang taon nakalipas, ang isang bitcoin wala pang isang libong pesos yun. Ganyan kalaki ang pag-akyat nya. Yun nga lang, dapat may tiwala ka at walang takot. Kahit pagtingin mo sa isang araw, parang lampas kalahati ang nawala sa halaga nya, hindi mo pa rin babawiin kasi may tiwala kang mas lalong lalaki at lalaki pa rin ang halaga nya.
Yung sinasabi nilang 50,000 magiging 55,000? Hindi mo kailangang mag-antay ng 16 days para tumubo ang 50,000 ng 5,000. Mas malaki pa sa 5,000 ang maitutubo ng 50,000. Wala pa nga yatang isang araw, lalaki na yan. Yun nga lang, ang walang kasiguraduhan ay ang sabihing "sa eksaktong 3 araw simula ngayon, ganito ang tubo ng pera mo". Walang kasiguraduhan dahil posibleng sa pangalawang araw pa lang ang 50,000 mo naging 65,000 na. Pero pagdating sa pangatlong araw, naging 45,000 bigla. Kung may lumapit sa inyo at sinasabi nyang isasauli ko sa iyo ang 50,000 mo pagkatapos ng 3 araw na may tubong 5,000, ay baka totoo nga, sinauli nya sa yo ay 55,000 pero may kita na sya nung 10,000 na di mo alam kasi nung pangalawang araw, naging 65,000 ang 50,000 pero 5,000 lang naman ang usapan nyo.
(Wag mong isipin na niloloko ka pag ganito kasi ito ang ginagawa ng mga banko. Pag nagdedeposito ka sa kanila, o nagta-time deposit, sasabihin nila "O cya, akin na ang pera mo. Pagkatapos ng isang buwan, may ganito kang tubo." Yun nga lang, ang tubo na i-ooffer nila, sobrang liit lang. Mga 5%-8% kadalasan. Parang pinapahiram mo ang pera mo sa banko para pagkakitaan nila ng MAS MALAKI PA kahit ibawas dun sa kita nila ang ipinangako nilang tubo mo pagkatapos ng isang buwan.)
P.S.
Kung yung sinasabo mong "investment" ay yung "Pluggle". Wala daw po silang license na mag-offer ng investments sa public (ayon sa Securities and Exchange Commission) kahit na nakarehistro sila bilang isang kumpanya sa Pilipinas. Para safe, iwasan na lang po.
3JVi1XnDp747T6z5T4NUEwYZ8VHQ7BHwSb