Computer Terms explained in Filipino

So para talagang ma intindihan nyo yung iba't ibang terms, gumawa ako nito. Feel free to add more terms here or add more definitions. May request po ba kayo na terms? Comment nyo lang.

a7cJeQ1.jpg


Framework - mga functions, libraries, classes, files, codes, at iba pa na ginawa na ng ibang tao para makatulong sa mga developers na mapadali yung kanilang mga project.

Example 1: Twitter Bootstrap 3 (CSS and JavaScript framework)

Itong col-md-3 na class, ginawa na ito ng Bootstrap para hindi kana gagawa ng css.
Example 2: jQuery (JavaScript framework)

$('div').hide() Itong hide() method, ginawa na ito sa jQuery.js, tinatawag nalang ito para mag hide ng isang element.

OOP (Object Oriented Programming) - Opposite ng Procedural programming, ito ang type ng programming language na hindi lang primitive data types meron (int, string, char, float, .....), meron din object data types. Ang isang object, may properties at methods.

HTTP (Hypertext Transfer Protocol) - Ito yung ginagamit pag request ng files sa server.

Example Scenario:
Client (You) -> Server (Facebook)

Ginagamit mo yung HTTP para mag request ng files ng facebook. (e.g. index.php, .css files, .js files, images)

Mark-up Language - Ito yung language na ginagawang markup yung concepts.

hindi ako makapag set ng example kasi hindi pwede yung brackets dito T_T

Encapsulation (in OOP) - Basically, specifying a class's properties/fields access.

Example:
public int pin;
private String greeting;
protected float pi;

Abstraction (in OOP) - Dalawa ang pwede maging 'abstract', either yung Class or yung Method. Ang abstract na class, hindi na e-instantiate yun. Meaning kapag may class ka na "MyClass", hindi mo siyang pwedeng gawing object sa ibang class. So hindi ka pwedeng magsabi na "MyClass anObject = new MyClass()". Instead, inherit mo nalang yung MyClass ("class MyClass2 extends MyClass")

Yung abstract na method naman, ibang usapan yun. Ang abstract na method, walang implementation yun. So instead of saying "public int add(int num1, int num2) {return num1 + num2;}", magsasabi ka na "public int add(int num1, int num2);" Notice na walang curly braces.

Inheritance (in OOP) - Ini-inherit yung isang class. So for example, meron kang "class Person", tapos may methods siya na "public void eat()", tapos gusto mo gumawa ng ibang class na "class Student", para hindi kana gagawa ng method na eat() uli, inherit mo nalang yung person class. Kasi si Student, Person din siya eh. So it will now be "class Student extends Person"
 

Top Bottom