Fix for Hardware Problems shorted

menguin

Geek
Pinoy Techie
Gawin nyo lang ito kung sigurado kayo na hardware na talaga ang problema.

Paano malalaman kung hardware na talaga? Kapag nagha-hang padin pagkatapos mo mag flash ng firmware gamit ang pc/spflashtool.



Mga senyales ng hardware na ang may sira:
~ Kapag bukas mo ng flare s nag hahang na agad siya?
~ Pagka bukas mo ng application na mataas ang graphics like coc bigla magha hang o white screen?
~ Pagka bukas mo ng flare s magiging white screen o black screen na may konting liwanag, o kahit ano anong kulay na `liwanag.
~ Ayaw mapindot ng screen o iba-iba napipindot?
~ Nabasa flare s mo tapos nag hahang na?

Mga kailangan:
Screw driver o Kutsilyo na pambukas ng turnilyo.
Flare S unit
Tissue (fold 3 times, 1 inches by 1.8 inches ang magiging sukat)
Kung feeling mo nabasa need mo ng hair blower

Step 1. Buksan ang screw gamit ang screw driver o kutsilyo.

Step 2. Alisin ang cover na black at alisin ulit ang maliit na screw.

Step 3. Maingat na aalisin ang board, yung kabitan ng flex kailangan sobrang ingat para maiwasang maputol. I angat yung parang parang itim na matigas mahaba na lock nya para maaaring hugutin yung flex.
Picture nung lock



Step 4. Ilagay yung ginawa mong tissue sa likod ng screen na kagaya nung nasa picture.

Step 5. Maaari ng ibalik ang board at maingat na ibalik lahat gaya nung una.

NOTE: Kelangan hindi magdikit ang screen at ang board kaya nilagyan natin ng tissue, posibling doon ang problema dahil shorted. GPU nya ang nagiging problema kaya nag hahang.

Iwasang mabasa ang phone, pati yung tissue na nilagay natin, kasi pag nabasa yon magiging shorted ulit.

Gumamit ng hair blower kung nabasa ang phone mo.
 

Similar threads


Latest posts

Top Bottom