Importance of Design to Functionality

So ang topic na ito ay maaaring makatulong lalong lalo na sa mga Engineering students, at kahit tambay na nag didisenyo ng kanikanilang proyekto.

So yun po ano. Ito yung kinahayup hayupang disenyong nagawa ng BSP(hindi boys scout ah), ang bagong singko pesos. According sa mata kong matalas, yung deperensya ng 5pesos sa piso eh nasa 1.0mm lamang(nawala yung caliper ko kaya tansya tansya nalang muna). Ang disenyong ito ay kulang ng deliberation, at research. At oo, kalimutan mo na yung relasyon nyo, wag lang ang mga to. Ito ay isang halimbawa ng failure of design.



Ano nga ba ang mga dapat kailangang malaman bago mag disenyo? Tho, oo. Tarantado ako, pero may nalalaman din ako sa training ko non sa Hardware Labs(buti pa sya may labss ??).

#1 - Alamin kung sino ang gagamit, saan at paano ito gagamitin

-- i-gather mo lahat ng detalye sa pag gagamitan nito. Tulad sa singko pesos, nagagamit sa pang araw araw, at lalong lalo na sa panunukli sa jeep. Sa bagong disenyo ng singko, eh, napakaliit lang ng deperensya nila sa piso, lalong lalo na naman sa kulay at laki. Nagiging mahirap ito tansyahin, at minsa'y di maiiwasang mali ang panukli ni manong, o mali ibinayad mo.

Kaya dapat alamin mo muna kung ano ang mga problemang maaaring mangyari kung yan ang disenyo mo. Maaaring ihambing mo ang nakaraang disensyo, at yung ideya mo.

#2 - Alamin kung isa ba itong medium ng kung ano, o isang bagay na magdedepende yung iba pang mga bagay dito(kalorkyy diba? ); kung may existing naba nito, at gano kalaki ang epekto nito kung ito ay babaguhin.

-- Tulad na naman ng singko. Ang dating singko ay nasa 1-inch o 2.54cm across. Ito ay naging basehan ng mga vending machines, hulog-singko, pisonet, singkofuck, o kung ano. Kaya sa bagong pinahayop na singko, mapipilitang magbago lahat ang vending machines. Ang masaklap pa nito, ang piso at bagong singko ay may 1.00mm difference lamang. Mechanically, mahirap ito mafilter/validate since ang coin slots ay may +/-1.00mm na allowance. Kaya kung iisipin, may mechanical flaw na mismo kung same mechanism ang gagamitin. Maaari kang maghulog ng piso sa slot ng bagong singko, at papasok ito.

So kung gagawa ka ng disenyo, alamin mo muna kung may existing ba ito, at kung ano mang tech ang maaaring maapektuhan kung ito ay babaguhin.

#3 - Alamin ang Cost Efficiency ng disenyo

-- Cost efficient meaning yung gaano mo mau-utilize yung cost sa aktwal na functionality ng disenyo/produkto mo. Hindi lahat ng maganda, eh may kwenta. Dun tayo sa simple, pero may kick. parang chix lang. Para malaman mo ang Cost Efficiency may mga bagay kang dapat alamin:
1. Overall Functionality(50%) - kung nagawa ba nya yung karapat dapat nyang gawin
2. Materials, Production, and Product Quality(40%) - kung ano yung mga dapat na materyales, mga anong gagawin, at mga gastusin para produksyon ng produkto. Dito mo rin maadjust ang kalidad ng produkto mo. Sa produksyon naman, iwasan ang mga disenyong maselan gawin dahil nagrereflect ito sa production cost at lolobo ito(unless kenakailangan).
3. The WOW Factor(10%) - Ito na yung mga extrang features mo. Usually, aesthetics lang ito, o yung kung ano ang nakikita ng consumer nito.

Bakit mo kelangang malaman ang cost efficiency? Unang una, para hindi malaki yung gasto ni Junard na kasama mo sa thesis na wala talagang ediyang na ambag. Pangalwa, eh, eto yung ULTRA ULTIMATE #1 na hinahanap na disensyo ng mga kumpanya nag mamass produce.

#4 - Design Integrity

-- Hindi lahat ng maganda na naman, ay kelangan. Iwasan mo ang mga disenyong maliit lang ang ambag sa overall functionality. Example, gagawa ka ng Arduino case na 12x12" tapos may napakacool na LED Lights, na may napakaraming fans, na may kung ano mang hayop na walang kwentang bagay. Kitams? Gumastos ka lang sa walang kwenta. Wala namang ambag. Pangalwa, nagiging parang sarao yung disenyo. Remember! Less is more. Gumawa ng disenyong karapat dapat sa kanyang function. Magrereflect ito sa WOW Factor, at syempre sa Product cost.

#5 - Alamin kung pano makakaadjust ang consumer ng produkto mo. Consider Design Efficiency and Consumer Experience Convenience.

-- So sino talaga mag-aadjust? Never ever alter a design standard. Unless, gagawa ka ng Hybrid, or custom design na hindi makakaapak sa tumatakbong sistema. Pero itong bagong singko, Failure ito dahil maraming naaapakang sistema at nahihirapang ihambing ng madalian. Instead na makatulong ito, mas naging hassle pa yung resulta sa paggamit nito. Isang napakalaking inconvenience both by work, and by cost.

Kung di mo parin gets yung design standard, isipin mo nalang yung ATM Card mo. Hindi ka pwedeng gumawa 10x12" na ATM card kasi, puta naman? I-eexplain ko pa talaga kung bakit hindi pwede?

#6 - Engineering, Design Standards, and Product Adaptability

-- Ang Product Engineering at Design Standards ay malimit iconsider sa thesis, pero pag nasa trabaho kana, ito yung tropa mo. Lahat ng gagawin mo ay precise. May precise at necessary measurements and form. With proper measurements, maaari kang makagawa ng sarili mong standards sa product line mo. This is well-deliberated by product engineers, o kahit ikaw.

Kung magbabase ka din naman sa ibang produkto, dapat alam mo yung standard measurements at form nito. Example gagawa ka ng PC Case. Syempre may motherboard. Ang motherboard ay may iba't ibang form; EATX, ATX, MATX, ITX. Lahat ng form na yan ay may design and measurement standards. Dito mo maaachieve yung Product Adaptability mo, o how it adapts to the current and future standards. Hindi mo maaaring baguhin ang standards, kasi magreresult yan incompatibility.

#7 - Alamin ang kung ano mang problema ang maaaring maidulot ng disenyo.

-- Laging tandaan, ang disenyo ay dapat di maging hadlang sa functionality ng isang produkto. Gather mo lahat ng posibleng probelma. Mapa cost, mapa functionality, mapa psychological factor man ng consumer, lahat iconsider mo. Pwede lang gumawa ng checklist nito, at isa-isahin mo itong sagutin. Sa pamamagitan nito, makakagawa ng isang disenyong kumpleto, at maaaring perpekto.

So siguro yan na lahat ang alam ko. Eh. pero tangina parin ng singko pesos

Love,
Ninong
 
Top Bottom