Low Spec Pisonet Tips

titorick

Geek
Pinoy Techie
Informative Sharing to you all Low Specs Pisoneters...
nag assemble po ako ng naka tambay ko na unit na caseless since lahat na ng units ko puro na Intel+Nvidia combo na from AMD+Radeon combo.

this is to show you all how important ang DUAL CHANNEL RAM compare to SINGLE CHANNEL RAM



para sa hindi naka alam, ang dual channel eto po yung may dalawa kang ram naka attached sa mga ram slots ng motherboard mo or DIMM slots like for example 2 x 4gb or 2 x 8gb

in my case, nag 2 x 8gb ako na ram good only for AMD na nabili ko lang sa Shopee for about Php 900
nag laro ako ng ROS as test game...

ang unit specs ko ay nasa last pic so check it out para malaman niyo ano test unit specs ginamit ko. at gumamit ako ng MSI Afterburner para makita natin ang mga usage sa upper left corner sa pics ko ang:
1. CPU temp
1. CPU Cores usage (kung nagamit ba lahat)
1. RAM usage
1. GPU usage
1. fps (Frames per Second)



sa 1st pic noticed niyo na ang RAM niya nasa 5,995mb or 5.9gb in usage using only 8gb ram or single channel. tapos 27fps lang? dahil ang ram na nag iisa lang, siya ang nag buhat sa lahat ng hardwares like sa game tapos ang vram pa ng iGPU ko na R7 200 series ng A10. kayat na pre-pressure siya lifting all of the hardwares.

nag try ako second game ng ROS, still the same performance sa 8gb ram only. nasa 6,043mb or 6gb ram na at 28fps. laggy parin
bakit sa 8gb ram nasa 5gb to 6gb lang ang sagad ng ram usage? dahil most likely, ang ibang ram ginagamit na ni Windows at sa ibang ino open mo. in my case, ROS lang naka open, pero hanggang 6gb lang ang max since ang Windows palang at the very start ng PC mo, kakain na yan ng ram in order for the system to work.

3rd pic ay naka 16gb ram na yan, kita niyo ang pagkakaiba? 3,490mb or 3.4gb lang na use ni ROS at 44fps more or less
bakit? kasi ang secondary ram mo (yung ibang 8gb sa 16gb ram ko) ay siya nag buhat sa vram ng iGPU, at ang isang 8gb siya nag buhat sa ROS game.



therefore, they all have their individual task on each ram. since naka set to auto naman talaga tayo by default sa BIOS ng motherboard natin. so bahala na si computer saan niya dini distribute si ram.

so in conclusion, halos alam na ng lahat ito. mag dual channel kayo pag wala pa kayo video card or kung naka iGPU kayo (Integrated Graphics Card or built-in)

kung naka discete graphics card na kayo or independent, it is still fine na naka single channel. anyway ang mag buhat na sa graphics mo or vram ay ang discrete video card na. hindi na ang ram mo. ang ram mo ay sa windows nalang at sa games.
 
Tip sa pagpapatch lalo na sa mga naka 24 hours na shop
since 2 am down ang cf iwasan muna na may magbubukas ng CF dahil kapag may nag oepn ng cf at may pumasok na kahit isang stage hindi na kakagat ang manual patch. bago mag palaro ng cf tyaking nakapatch na ang mga cf (manual patch) saka kayo magpalaro ng cf.

uulitin ko po walang mag bubukas ng cf lalo under maintenance pa. magpatch muna (manual patch)
 

ashokkumarn

New Member
This is a nice blog to watch out for and we provided information on how to grow hair faster and thicker home remedies make sure you can check it out and keep on visiting our blog.
 

Folayang

Member
to paps opinyon lng. Pag may pisonet kayo. Hindi cguro maganda maglagay din ng pisowifi kc sa halip na mag computer sila 5 petot 25 minutes. Dun nlng sila sa wifi mag Facebook 5 petot 1 hour na.

Lugi kna ng 5 petot at kung madami ang ganun nlng gawin, liliit income mo. Tapos maisip pa ng iba na less maintenance ang pisowifi at gagayahin nila business na yan o dadami na mga piso wifi.

Tapos yung player mo na online games tinitira ay bka mobile games na tirahin nila. Tsaka sa gabi pag close mo eh may pera pa sana sila panluru sa pisonet kinabukasan pero wla na dahil sa pisowifi na mapunta at maaring dun pa sa area na malapit sa kanila pag dadami na pisowifi o gagayahin yung sinimulan mo.

Ang pisowifi ay isa sa nagpapahina sa income ng pisonet. Khit sarili mo pang pisowifi ay malaki parin negative na epekto sa income mo at lalo sa pisonet mo.

Sakin paps. Kung wla pang pisowifi sa lugar nyo. Wag ka maglagay. Wag mo umpisahan . Kc uuso yan o gagayahin at dadami na sa sulok sulok .

Sa umpisa lang akala mo tumaas income mo. Sa katagalan dadami gagaya at hihina na mismong pisowifi mo pati pisonet mo hindi na dadayuhin pisonet at pisowifi mo kc dun nlng sila sa pisowifi na malapit sa kanila.
 

Similar threads


Latest posts

Top Bottom