Hello. po mga sirs at mams
Mahalaga po na alam natin kung saan ang mga PIN 1 ng mga connectors at ports/slots sa ating motherboard kahit na lahat ng features sa motherboard ay para maging user-friendly sa mga gagamit o mag aasemble.
Ngayon kasi hindi papasok ang ilalagay ninyong kahit ano sa motherboard kapag mali ang orientation., dati pa kasi hindi natin maisasaksak ang isang connector cable o peripheral device sa hindi nya dapat paglalagyan
Pero pano kung sa anong mang pangyayari natanggal ang feature na yun, papano mo malalaman na maisasalpak mo parin ng tama ang isang connector o peripheral device eto ang paraan...
Alamin ang PIN 1 sa motherboard:
may lima tayong ilang paraan para malaman ang PIN 1 ng mga ports at slots sa motherbboard pati ang mismong mga chipsets ang at socket ng CPU
- Ang direksyon ng PIN 1 ay sa bandang back of system case. Pero hindi lahat ng motherboard ay gumagamit neto kaya mahalaga na idouble check nyo sa kasunod na paraan. o sa alin mang mga susunod pang paraan.
- Ang orientation ng PIN 1 sa ating motherboard ay nasa pare-parehong direksyon, kapag nakahanap ka ng isa na PIN 1 sigurado lahat ay nasa ganon ding direksyon at orientation.
- label o sulat na number 1, 2 tapos sa kabilang dulo halimbawa 21, 22 tapos 41, 42. kung san ang may nakalagay na label 1 -yun ang PIN 1.
- Mga simbolo o marka sa motherboard. Pwedeng Square na kulay puti sa nag iisang pin na nasa dulo.. Pwede ringarrow sya na nakaturo sa pin na nasa sulok o dulo ng set of pins. o kay isosceles triangle sa kanto ng grupo ng mga pins
- At kapag duda ka pa din titingnan na po naten ang likod ng atin pong motherboard. anghinihinala nating PIN 1 ay nahihinang ng pa-square. mapapansin nyo na ang ibang hinang sa grupo ay lahat bilog maliban sa hinang na yon sa dulong sulok na pa-square
Heto po ang mga letrato. check nyo po: