Stuck iPhone LTE GPP Activation

bytegeeks

Geek
Pinoy Techie
Sa mga na stuck sa activation screen na naka LTE GPP (GOLD tested ). Sa mga walang lumang 3G GPP and hindi magamit ang unit nila, ito baka makatulong lalo na kung naka Telus Canada and T-mobile US kayo. Hindi ito guaranteed na gagana sa lahat, pero kung namroblema ka nang dati, wala naman masama kung susubukan. Konting effort lang yan.

All the credit goes to my friend Cyrus Vesita Ong aka ong_rose nang tipidpc.com who's very familiar with iOS and interposer chips.

Ugaliing mag basa. Minsan ang hirap mag share kasi pag hindi nag basa or mahina comprehension, ikaw pa pwede masisi sa kagustuhan mong makatulong, maraming tanong na nandito na ang sagot. Check nyo video and yung screenshot guide.

Para po sa mga nag ka problem sa GPP LTE na stock sa activation screen, ang sabi sakin as of today 10/11/2017 wala pa bagong chip. Program lang ang bago,. try nyo muna to at baka gumana sa unit nyo kaysa bumile kayo nang hindi naman talaga bagong chip. Again, hindi working sa lahat pero it's worth a try.

Check nyo nalang website nang GPP LTE for updates - http://www.gpplte.com/index_en.html

Tested sa
Telus Canada (Sun LTE) Globe unknown, Smart not working
T-Mobile ( Globe LTE and Sun LTE) Smart not working
Sprint (lahat nang na test na sim not working )
Japan undisclosed carrier ( Sun LTE,TM 3G, Globe 3G, ) Globe LTE and Smart LTE not working.
Walang AT&T unit na ma test I think kasi puro napa FU.
May isang kasama tayo napagana AT&T - SMART LTE.

Sa nag tatanong nang locked na phone na hindi naka list like Rogers, Globe , Au kddi, softbank JAPAN, US,CANADA,Smart Locked? Globe Locked? or any other network kung san naka lock na hindi na test sa video na ito, paki try nyo nalang kung stuck kayo sa activation screen,Hindi ito guaranteed na gagana sa lahat, pero kung namroblema ka nang dati, wala naman masama kung susubukan. Konting effort lang yan.

sa nagtatanong pano pumasok sa gpp menu from activation screen, nag emergency call kayo.
Sa GPP LTE - *5005*7672*00# select carrier, then TMSI, accept

Again try nyo kung naka GPP LTE kayo and stuck kayo sa activation screen. Kung wala kayo problema sa unit nyo, wag nyo na kalikutin! wag kayo gumawa sarili nyo problema. !

Paulit ulit na pero baka ako maisis kaya please note : kung maayus ang unit nyo wag nyo na kalikutin, wag na muna mag update, wag na muna mag reset, wag na muna mag restore, wag na muna magkalikot at palit palit sim.

Hindi mo alam san naka lock phone mo? Google mo Model # para malaman mo country of origin or try this https://pinoytech.ph/threads/how-to-check-if-iphone-is-refurbished-retail-or-replacement.1487/

I think yung mga reliable service to tell saang carrier naka lock ay paid - hindi LIBRE.

Pwede rin fish ka nang info sa Apple Support para malaman san naka lock unit mo - I have yet to try this. Try nyo nalang.
Or pwede naman try nyo nalang lahat nang carrier based sa country of origin nang phone mo, trial and error kumbaga.

Credits kay Cyrus. Sya po ang nasa video at kanya po yang video. I was given permission to share this to the public. Gracias! sana nakatulong

d4EJZYw.jpg
BjD3TG2.jpg
 

Similar threads


Top Bottom