Usapang BOOT-UP PROBLEMS

vhong

Member
"Preparing Automatic Repair"
"Windows was unable to start..."

Iyan ang mga kadalasang lumalabas kapag nagkaroon ng problema sa pag-bo-boot ng operating system ang laptop o desktop computer mo. For the mean time, hindi natin isasama ang blue screen problems (BSOD), because we will have a separate post for that. Imbis na gagawa ka ng thesis mo, o manonood ng primitive videos sa youtube, madadatnan mong ganito ang bubungad sa'yo pagbukas mo ng unit mo. Nakakagigil, 'di ba?

Going rekt to the problem, dalawa lang naman ang dapat malaman, ang sanhi (cause) ng problema, at ang solusyon nito. Game? Game.

Disclaimer: this is oversimplified. As simple as possible, so that everyone may cope up on the following.

CAUSES
1. Boot-up interruption

- kadalasan, hindi naman agad lalabas iyang mga problema na 'yan kapag hinugot mo sa outlet nang biglaan ang AVR ng desktop mo o kapag pinupwersa mong diinan ang power button ng laptop mo (na karaniwang ginagawa kapag talo ka sa game). Pero, once na magsunod sunod ang pwersahang pag-turn off (forced commutation) sa unit mo, d'yan lalabas ang error na nasa itaas. Nagiging fatal ito lalo kapag hindi genuine ang gamit mo na operating system (sa kadahilanang gumagana lamang ang system repair features kapag legit ang OS mo).

2. Failed Windows Update Installation

- para sa mga gumagamit ng Windows 7 or lower (kung nag-eexist pa man silang mga 98 or XP users), hindi masyadong crucial ito. Pero sa mga nasa borderline ng Windows 8 pataas, lalo na sa mga Windows 10 users, delikado ito. Once na ma-corrupt ang installation ng updates, na kadalasang babalik sa number 1 point natin, it provides incomplete system files. Incomplete system files = corrupted files.

3. Impending Hard Disk Drive Problem

- this is the toughest cause of it. Once kasi na magkaroon ng tama ang hard drive mo, unti-unting babagal ang read/write capabilities nito. At para sa kaalaman ng lahat, malaki ang epekto nito sa magiging takbo ng operating system mo. Once kasi na maging mabagal ang reading and writing ng hard drive, aabutin ka ng 9-9 (siyam-syam haha) sa pagkopya lang ng text file. Given that, how much more pa sa mga system processes?

SOLUTIONS

1. OS Reinstallation

- Once na macorrupt ang mga system files ng OS mo, at magfail ang system repair, ito ang "da finest" solution. If you're considering an OS upgrade/downgrade by this moment, better set that aside. Wala kang fallback (walang sasalo sa'yo) once na magfail ang upgrade/downgrade mo.
A. Make it sure na kung naka-UEFI boot ka, UEFI installer ang gagamitin mo, or else you'll have to reconfigure your BIOS setup for that (given na 100% ang installer mo). Kung LEGACY boot, matic na.
B. Expect deletion of your files kapag nag-reinstall ka ng OS. Therefore, either you physically extract your files from your hard drive, or use a bootable OS to retrieve those.

2. Hard Drive Repair

- Before proceeding to this, do a self-check sa hard drive mo. Paano? Try mo s'yang i-access sa ibang system unit, or using a bootable OS. Then, subukan mo magcopy sa kanya ng files. Observe if masyadong mabagal, alam na dis. Pero kung gusto mo ng detalyadong report, use a 3rd party HDD checking application, such as HDSentinel.
- Kapag sigurado ka nang may problema na sa Hard Disk Drive mo, better seek a professional service provider to see if may magagawa pang salvage repair sa kanya.

NOTE: Ang replacement ng Hard Drive ay ang last resort mo. Nevertheless, babalik ka sa solution number 1.

Iyan ang mga kadalasang sanhi at solusyon ng mga problemang nasa itaas.
 

Similar threads


Top Bottom